Filipino Reviewer
2nd Trimester
Balagtasan – patulang pagtatalo tungkol sa isang paksa
- Abril 4, 1926 – Instituto de Mujeres
- Francisco Balagtas – Ama ng panulaang tagalong
Sangkap:
- paksa
- 2 panig (sang-ayon at di sang-ayon)
- lakandiwa (tagapamagitan at tagapagkilala)
- tanghalan
- manonood
Sanhi – dahilan kung bakit naganap ang isang pangyayari (bakit?)
Bunga – resulta o kalalabasan ng sanhi o pangyayari
Pokus ng Pandiwa
1. Pokus na Aktor – paksa ang gumaganap ng kilos (SINO?)
mag-, -um-, ma-
- Ang bata ay sumayaw.
- Bumili ng bulaklak si Rosa.
2. Pokus na Layon – layon ang gumaganap ng kilos (ANO?)
-in/hin, i-/ipa-
- Ang bulaklak ay binili ni Rosa.
- Ang tsokoleyt ay kinain ni Frances.
3. Pokus na Pinaglalaanan (Benepaktibo) – pinaglalaanan (tagatanggap) ang paksa (PARA KANINO?)
i- -in, ipag
- Ang mahal na Birhen ay ibinili ni Rosa ng bulaklak.
- Ibinili ko ng sapatos ang aking kapatid.
- Ipinagluto ni nanay si Joey ng adobo.
4. Pokus na Ganapan – ganapan ng kilos ng pandiwa and paksa (SAAN?)
-an/-han
- Ang tindahan ay binilhan ng bulaklak ni Rosa.
- Nilagyan niya ng suka ang bote.
5. Pokus na Kosatib (Sanhi) – ang dahilan ang paksa (BAKIT?)
ikina-
- Ikinatuwa ni Inez ang pagbili ng lapis.
6. Pokus na Kagamitan (Instrumento) – gamit ng pandiwa ang paksa (ANO?)
- Ipinampunas ni Mariko ang basahan sa mesa.
Kayarian ng Pangungusap
1. Payak – nagsasaad ng isang kaisipan lamang
a. Payak na Simuno at Payak na Panaguri
- Ako ay malungkot.
b. Payak na Simuno at Tambalang Panaguri
- Ako ay malungkot at umiiyak.
c. Tambalang Simuno at Payak na Panaguri
- Ako at si Sam ay malungkot.
d. Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri
- Ako at si Sam ay malungkot at umiiyak.
2. Tambalan – binubuo ng 2 or higit pang kaisipan
- 2 o higit pang payak na pangungusap
- pangatnig (kaya, at, ngunit, datapwat – paninsay)
- Maganda siya ngunit masama ang kanyang ugali.
- Siya ay naglalaba habang ako ay natutulog.
Sugnay na di makapag-iisa
- Upang, dahil, nang
- panubali (kung, kapag)
3. Langkapan – 2 o higit pang SM at 1 o higit pang SDM
-- tambalan at hugnayan
- Mag-aral ka nang mabuti upang tumaas ang iyong marka.
4. Hugnayan – 1 SM at 1 o higit pang SDM
- Siya at ako ay malungkot kapag umalis ka.
SM SDM
- Kung aalis ka, magwawalis ako.
SDM SM
- Sakaling aalis ka, mag-aaral ako nang mabuti.
SDM SM SDM
Tayutay – ang malayang pinagyamang paggamit ng mga salitang nagsasaad ng karagdagang istilo o kabuluhan sa literal na kahulugan nito
- nagpapaganda sa akda, pagpapalalim sa kaisipan at nagpapayaman sa guniguni ng bumabasa
- madalas gamitin sa mga akdang pampanitikang tuluyan (sanaysay/kwento) = tula
- pagpapahayag na matalinhaga
1. Patulad (Simile) – paghahambing ng 2 bagay na magkaiba ng uri (para, gaya, katulad, kaparis, atbp.)
*Para ng halamang lumaki sa tubig, daho’y nalalanta munting di madilig.
2. Pawangis (Metapora) – paggamit ng salitang nangangahulugan ng isang bagay sa pagpapahayag ng ibang bagay
*Sapagkat ang haring may hangad sa yaman ay marinig hampas ng langit sa bayan.
3. Pagtawag (Apostrope) – nakikipag-usap na tila naroon ang kausap ngunit wala naman
*O tukso, layuan mo ako.
4. Pagbibigay Katauhan (Personipikasyon) – binibigyang-kabuluhan o katauhan ang isang bagay na walang buhay o kaisipang basal (abstract)
*Humiling si Pebo sa hihigang ginto.
5. Pagmamalabis (Hyperbole) – pahayag na ibayong matindi kaysa katotohanan o lagpas sa maaaring mangyari
*Bababa si Maste mula sa itaas, sa kaiblima’y aahon ang parkas.
6. Pagpapalit-Saklaw (Sinekdoki) – gumagamit ng bahagi sa halip ng kabuuan o vice versa
*At ang balang bibig na binubuksan ng sabing magaling at katotohanan.
7. Pagpapalit-tawag (Metonomiya) – nagpapalit ng ngalan
*Sinigawan ako ng ilaw ng tahanan.
Makata
- malikhain
- malalim magisip at magsalita/magsulat
- malawak ang talasitaan
- magaling magpahayag ng damdamin
Sangkap
- tayutay
- simbolismo
- pahiwatig
- kaisipan/mensahe
Dahon
- kahusayan
- laurel (pampalasa)
Tagahanga:
- Jose Rizal (Noli at El Fili)
- Apolinario Mabini (Sipi- sariling bersyon ng Florante)
|
KORIDO |
AWIT |
|
Ibong Adarna |
Florante at Laura |
|
8 pantig |
12 pantig |
|
Supernatural/ kapangyarihan |
Makatotohanan |
|
Hindi maaaring mangyari sa tunay na buhay |
Maaaring mangyari sa tunay na buhay |
|
Sadyang basahin ng mabilis (allegro) |
Sadyang awitin ng mabagal (andante) |
Talambuhay (talaan ng buhay)
- kwento ng buhay ng isang tao
- mahahalagang pangyayari o impormasyon
1. paiba – ibang tao
2. pasarili – sarili ang mismo nagsulat
Talambuhay ni Francisco “Balagtas” Baltazar
I. Kapanganakan
- Abril 2, 1788
- Panginay, Bigaa (Balagtas Bulacan)
- Magulang: Juan Balagtas (panday), Juana de la Cruz (maybahay)
- 3 Kapatid: Felipe, Concha, Nicolasa
- Binyag: Kumbento ng Bigaa (Romano Katoliko)
- Palayaw: Kiko
II. Kabataan
A. Mga Katangian
- malaking tagahanga ng kagandahan (kalikasan)
- bukas ang mga mata sa pagdudurusa ng kanyang mga kababayan sa kamay ng mga kastila (magulang)
- mas nais mag-aral kaysa maglaro at maglibang
B. Mga Sitwasyon
- mahirap lamang dahil ang kanyang ama ay panday
- nagtrabaho bilang katulong upang makapag-aral siya
III. Maagang Edukasyon
- pumasok siya sa pang parokyang paaralan sa Bigaa (kura paroko)
- Pumasok bilang katulong ng mga Trinidad (malayong kamag-anak sa Tondo) ng 11 taon (1799)
- 1812; 24 na taong gulang na siya at natapos niya ang Canones sa Colegio de San Jose (law..), Tondo
- paaralang Heswita sa Intramuros
- Colegio de San Juan de Letran
IV. Padre Mariano Pilapil
- 1 sa mga nangungunang palaaral sa panulaang Tagalog noong panahon na iyon
- namahala sa pagsulat ng “Pasyon” noong 1814
- siya ang naghikayat kay Kiko na maging mahusay na makata
V. Bilang Makata
- Huseng Sisiw – Jose de la Cruz, ang pinakatanyag na makata noong panahon, tinawag siyang Huseng Sisiw dahil sisiw ang binabayad sa kanya ng mga binata kapalit ng tula para sa kanilang iniirog
- Si Kiko ay naging suki ni Huseng Sisiw ngunit hindi siya nakabayad ng sisiw. Ito ang nagtulak sa kanyang pagkakaroon ng sariling istilo
VI. Pag-ibig ni Kiko bilang “Crush ng Bayan”
- Biyanang
- Lucena
- Ma. Ana Ramos na taga-Gagalangin, Tondo (una niyang inibig)
- Maria Asuncion Rivera o “Celia”
- Juana Tiambene
VII. Maria Asuncion Rivera
- nakilala ni Kiko sa Pandacan noong 1835 o 1836
- siya ang Celiang pinaghandangan ng “Florante at Laura”
- Alpa
- Ang kaagaw ni Kiko sa kanyang pag-ibig ay si Mariano Capule. Pinakulong ni Capule si Kiko sa kanyang maling bintang. At dito naihabi ni Kiko ang “Florante at Laura”
VIII. Juana Tiambeng
- taga- Orion
- nakilala sa Bataan noong 1840
- ikinasal si Balagtas noong Hulyo 22, 1842
- nagkaroon ng 11 anak: 5 lalaki, 6 babae
- namatay ang 7 na anak
- 31- Juana, 54- Balagtas
IX. Tula, Dula, Moro-moro
- tula – pagsisisi, Mahomet at Constanza
- dula – La India Elegante y el Negrito Amante
- Moro-moro – Almazar at Rosalina
X. Kamatayan
- 74 na taon
- Pebrero 20, 1862
- Sinabi niya na huwag pagsulatan ang mga anak niya, lalo na si Ceferino, dahil ayaw niyang mangyari ang kabiguan na nangyari sa kanya dahil sa pagsusulat
XI. Balagtas o Baltazar
Balagtas
- Partida de Bautismo
- Magulang ay sina Juan Balagtas at Juana dela Cruz
- Ang ginagamit ng mga pamangking niya
Baltazar
- ginamit bilang sagisag sa kanyang mga tula
- utos ni Gobernador-Heneral Claveria
- kasulatan sa Pagasawa at paglibing
- ginamit ng mga anak niya
FLORANTE AT LAURA
Kay Celia
Talasalitaan:
1. Suyuan – mang-amo
2. Hilalil – dusa
3. Maidlip – matulog sandali
4. Mahagilap – mahanap
5. Karalitaan – kahirapan
I. Saknong 1
Walang naaalala ang makata kundi ang mahal niyang si Celia at ang bawat sandali ng kanilang pagmamahalan
II. Saknong 2
Natatakot siyang makalimot si Celia sa kanilang pagmamahalan at ang pagmamahalang ito ang naging sanhi ng kanyang malungkot na kapalaran
III. Saknong 3-4
Hindi niya nakakalimutan kahit kalian ang kanilang pagmamahalan, dadalhin niya ito hanggang sa kanyang kamatayan
IV. Saknong 5-6
Sa panahon ng kanyang kalungkutan, ang larawan ng kanyang mahal, ang alaala nito ang nagsisilbing gamut sa kanyang lungkot. Sa larawan ng mahal niya na nakaukit sa kanyang dibdib, walang makapagbabawal sa kanya na mahalin at alalahanin ito.
V. Saknong 7-8
Sinimulan niyang alalahanin ang pag-uulayaw nila sa Ilog Beata at Hilom. Inaaliw pa niya ang kanyang mahal na lilim ng punong manggang hitik sa bunga. At gusto pang mamitas ng bunga ang kanyang mahal.
VI. Saknong 9
Naalala niya ang panahong may sakit ang kanyang mahal. Nalulungkot man siya ay naliligayahan din dahil magkasama sila sa kwuartong kinalalagyan ng maysakit.
VII. Saknong 10-12
Naalala pa rin niya ang kanilang masayang pag-uulayaw sa Ilog Makati, ang matamis nilang pag-uusap doon.,
VIII. Saknong 13-15
Nalulungkot ang makata sa ginawang pag-aalala sa kaniolang nakalipas. Hinanap-hanap niya si Celia. Mas gugustuhin pa niyang namatay na sana siya nang sila’y maghiwalay.
IX. Saknong 16-17
Ang kalungkutan niya ang nagtulak sa kanmiya para lumikha ng tulang ito. Subalit wala siyang masyadong naging inspirasyon.
X. Saknong 18-19
Inihahandog niya kay Celia ang nilikha niyang tula, na kung hindi man ito maging maganda para sa kanyang mahal, nanggaling naman ito sa kanyang puso. At sana siya’y maalala ni Celia sa pagbasa nito sa kanyang tula.
XI. Saknong 20-21
Humihingi siya ng inspirasyon sa mga musa ng sining sa mga nimfa at sirenang matamis umawit.
XII. Saknong 22
Hinihiling niya kay Celia na siya’y ipagdasal sa Mahal na Birhen at kalong nitong batang si Hesus.
Sa Babasa Nito
- para sa mga tao na magbabasa sa kaniyang akda
- babala para maging handa
- tagubilin
I. Pasasalamat – pagbibigay halaga sa kaniyang gawa
II. Lasapin – namnamin para pumasok sa puso ang tunay na kahulugan
III. Huwag ibahin o palitan ang berso – isinaulo lamang ni Apolinario Mabini
IV. Huwag husgahan/hatulan
V. Talababa (footnote)
VI. Tama na ang timpla
Makibahagi sa mga tauhan at pangyayari upang maintindihan ang binabasa
Sa Gubat na Mapanglaw
Talasalitaan:
1. nakasisindak – nakakatakot
2. hapis – dalumhati (matinding galit)
3. basal – kabataan
4. mapanglaw – lumbay (malungkot, madilim)
Paano inilarawan ang gubat na mapanglaw?
1. leon – mabangis, matapang, mapanganib, matakaw
2. ahas – taksil, traydor, tukso, makamantag (lason)
3. puno (Higera) – malalapad ang dahon, malilim, baging tinik
4. bulaklak – kulay pupas, nagluluksa, kulay malungkot
5. lalaking nakagapos – kaawa-awa, kulay ginto ang buhok (dayuhan), makinis ang balat, binatang-binata
Gubat na mapanglaw à Pilipinas (panahon ng mga Kastila)
1. leon – opisyal na Kastila, sumira, nakamamatay
2. ahas – mga Pilipinong kumampi sa Kastila upang mailigtas ang sarili at pamilya, o natatakot, o gusto ng mataas na puwesto
3. puno (baog) – walang pagmumulan ang Pilipinas
4. bulaklak – mga pilipinong nagluluksa
5. lalaking nakagapos – lahat ng mga Pilipino (bayani)
6. araw – pag-asang hindi makapasok |